Home NATIONWIDE MILF commanders tiklo sa illegal na pagbebenta ng armas sa Marawi

MILF commanders tiklo sa illegal na pagbebenta ng armas sa Marawi

159
0

MANILA, Philippines – Arestado ang battalion commander at sub-commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa magkahiwalay na operasyon sa Marawi City dahil sa umano’y illegal na pagbebenta ng armas.

Ayon sa ulat, naaresto ang battalion commander sa isang undercover operation na isinagawa ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Marawi City noong Lunes, Setyembre 30.

Narekober ng mga awtoridad ang mga armas na itinago sa loob ng sako na ibinenta umano ng suspek sa undercover police.

Sa hiwalay na operasyon sa Marawi City, isa pang miyembro ng MILF na may ranggong battalion sub-commander ang naaresto rin ng CIDG dahil sa pagbebenta ng armas.

Narekober sa naarestong suspek ang dalawang automatic rifles, dalawang pistola, ammunition, at iba’t ibang paraphernalia.

Batay sa record ng PNP, nakahuli na ang pulisya ng 6,000 personalidad at nakarekober ng mahigit 20,000 loose firearms sa pagsisimula ng kanilang kampanya noong Enero laban sa mga armed groups na maaaring gamitin sa papalapit na eleksyon.

“As early as last year po talaga, pina-igting na natin ang kampanya versus loose firearms, dahil ito ang isa sa mga risk factors na na-identify natin na maaring makapag-impluwensya sa mga election campaign natin,” ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo.

Sinabi ng PNP na posibleng ilagay sa election areas of concern ang Bangsamoro Autonomous Region na mahigpit na minomonitor ng PNP at COMELEC. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here