MANILA, Philippines – Naglunsad si Pope Francis ng mga bagong konsultasyon nitong Miyerkules, Oktubre 2 tungkol sa kinabukasan ng Simbahang Romano Katoliko, na nahaharap sa pressure sa tungkulin ng kababaihan at sa patuloy na salot ng clerical child abuse.
Magsasagawa ng closed-door debate sa Vatican hanggang Oktubre 27 ang General Assembly of the Synod, na binubuo ng 368 relihiyoso at layko—kabilang ang mga kababaihan—mula sa humigit-kumulang 100 bansa.
Noong nakaraang taon, tinalakay ng kapulungan ang mga tema na iba-iba tulad ng mga saloobin sa mga LGBTQ, poligamya, ordinasyon ng mga lalaking may asawa at ang paglaban sa sekswal na pang-aabuso ng mga pari sa mga bata.
Simula nang maging pinuno ng halos 1.4 bilyong Katoliko sa mundo noong 2013, si Francis ay naghangad na repormahin ang pamamahala ng Simbahan– ngunit nakatagpo ng malaking internal assistance.
Sa paglulunsad ng pagpupulong na may misa sa St Peter’s Square nitong Miyerkules ng umaga, hinimok ni Francis ang mga kalahok na pumasok sa mga talakayan nang may bukas na isipan.
Idinagdag ng Papa na ang pulong ay “hindi isang parliamentary assembly, ngunit sa halip ay isang lugar ng pakikinig sa komunyon.”
Ang kapulungan ay maghahatid ng kanilang mga konklusyon sa Oktubre 26.
Sa bisperas ng mga pag-uusap, nagsagawa si Francis ng “penitential” vigil na dinaluhan ng humigit-kumulang 2,500 katao sa St Peter’s Basilica.
Pitong cardinals ang sumang-ayon kay papa, kabilang sa kanila si Sean O’Malley, hanggang kamakailan ay Arsobispo ng US lungsod ng Boston, na nagpahayag ng kanyang “kahihiyan” para sa “mga pang-aabuso na nagnakaw ng kawalang-kasalanan.” Jocelyn Tabangcura-Domenden