Home ENTERTAINMENT Bela, inurat ng netizen sa bf, pumalag!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Bela, inurat ng netizen sa bf, pumalag!October 3, 2024 13:451280 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Sisid keti sisid.Ito ang walang patumanggang ibinida ni Bela Padilla sa kanyang Instagram account.Dive kung dive nga ang ginawa ng actress sa dagat off Bohol.Pinusuan ‘yon ng kanyang celebrity friends tulad nina Angelica Panganiban, Kim Chiu, Vina Morales, among others.Okey na sana ang daloy ng mga comments until a netizen with a user name @bhel spoiled it.Bigla kasi itong sumingit sa thread of convo only to ask: “Hiwalay na ba sila ng fianceè niya?”Hindi tuloy napigilan ni Bela na magpaka-sarcastic sa nagmamarunong na netizen.Kinuyog din ang @bhel na ‘yon na pala-desisyon sa buhay ni Bela.Proven na that when it comes to Bela’s Swiss-Italian boyfriend Norman Bay ay sensitibo siya kundi man pikon.Matatandaang ikina-bad trip kamakailan ni Bela ang tsikang ikinasal na sila ni Norman, gayong hindi pa naman.As it is now, mukhang wala sa priority list ni Bela ang mag-settle down.It doesn’t mean though that Bela doesn’t see herself getting married to Norman soon.Pahiya tuloy ang netizen na “pinangungunahan” si Bela sa mga personal nitong desisyon.Belat! Ronnie Carrasco III