Home NATIONWIDE Pagkalos ng VAT isusulong ng nagbabalik na Aktibong Kaagapay Partylist

Pagkalos ng VAT isusulong ng nagbabalik na Aktibong Kaagapay Partylist

161
0
Naghain ng Certificate of Candidacy ang Kaagapay Partylist, kung saan si Atty. Eugene Michael de Vera ang first nominee. Cesar Morales

MANILA, Philippines- Isusulong ng Aktibong Kaagapay Partylist na tanggalin ang value added tax, iangat ang wage benefits at healthcare sakaling muling pagbigyan maupo ang kanilang representate sa Kongreso.

Ayon sa first nominee na si Atty. Eugene Michael de Vera, dati siyang kongresista noong 2016-2018 at muli silang magbabalik upang muling isulong at maipasa ang dati nilang batas.

Sa pagtanggal aniya ng value added tax ay malaking impact sa mga manggagawa na dagdag sa kanilang sweldo ngunit isasaalang-alang ang mga namumuhunan.

Samantala, kabilang sa independent senators na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) nitong Biyernes sa Manila Hotel Tent City ang isang construction worker na si Warlito Bovier na gustong isulong ang pantay at patas na batas para sa mga mahihirap.

Naghain din ng COC sina Wilson Aclan na isang security guard at Maria Charito Billones na isang nagtitinda ng kandila, maging si Engr. Jerson Ares na isang OFW at engineer. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here