Home METRO Vico Sotto naghain ng COC para sa reelection bid

Vico Sotto naghain ng COC para sa reelection bid

179
0

MANILA, Philippines- Inihain ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Sabado ang kanyang certificate of candidacy (COC) upang gawing pormal ang kanyang bid para sa huling termino niya bilang local chief executive.

Naghain din si Robert “Dodot” Jaworski Jr., incumbent vice mayor ng lungsod, ng kanyang reelection sa Eleksyon 2025.

Kasama ni Sotto ang kanyang mga magulang, ang aktor na si Vic Sotto at aktres na si Coney Reyes.

Sa isang panayam, binatikos ni Sotto ang pahayag ng mga may-ari ng St. Gerrard Construction na napilitan umano silang tumakbo para sa public office dahil sa alkalde.

“Kaya daw po sila ‘napilitan’ tumakbo dahil daw sa akin. Anong klaseng intensyon, anong klaseng motibasyon ‘yun para pumasok sa pulitika? Ito ang mensahe natin sa kanila. ‘Yung pagpasok sa pulitika, hindi ‘yan pwedeng excuse, hindi ‘yan puwedeng shield para ipagpatuloy ‘yung paglabag sa batas,” ani Sotto.

“Sumali sila sa pulitika o hindi, I will do my job and part of my job is to make sure that the correct taxes are paid to the city. Part of my job is to make sure that the building code is enforced lalo na kung ganyan kalaki ang mga structures na pinapatayo,” dagdag niya.

Nilinaw din ni Sotto na hindi ito isang “personal” issue, binigyang-diin na ang imbestigasyon laban sa St. Gerrard ay inilunsad bago pa nila magdesisyong pumasok sa politika. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here