Home METRO Chinese national tiklo sa baril, bala, droga 

Chinese national tiklo sa baril, bala, droga 

140
0

MANILA, Philippines- Naaresto sa bisa ng isang search warrant ang isang Chinese natonal at kinakasama nito makaraang nakuhanan ng tatlong baril at 33 piraso na mga bala at droga sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. PF Espiritu 5, Bacoor City, Cavite

Sa report, kinilala ang nadakip na si alyas Chong Kai, 36, isang Chinese national at kasalukuyang nakatira sa 17 Cirmont Street, ng nasabing lugar at alyas Julia, 18, kinakasama nito.

Ayon sa  ulat, bandang alas-6 kamakalawa ng umaga nang nagtungo ang mga operatiba ng Bacoor Component City Police bitbit ang isang search warrant na inisyu ni Executive Judge Hon. Glenda R Mendoza-Ramos, RTC Branch 4, City of Calamba, Laguna kung saan naaresto ang mga suspek. 

Nakumpiska sa loob ng bahay ang isang unit ng PT845 Caliber .45 pistol Taurus na may serial number na NCS93368; isang G3 9×19 9mm pistol Taurus na may serial number na ABG637775; isang .38 pistol na walang seriail number; isang magazine ng kalibre 45 na baril na may 12 bala; isang magazine ng 9mm na may 17 bala; at apat na bala ng kalibre 38 na baril.

Bukod pa dito, narekober din ang tinatayang isang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may standard price na P120 , marijuana filter at pipe tube sa cabinet ng bahay. 

Sinampahan na ang suspek  ng kasong paglabag sa R.A. 10591  (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Sections 6, 7, 11 at 12 ng RA 9165. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here