Manila, Philippines- Walang lusot ang mga artista at maging ang production people na bumubuo ng Batang Quiapo.
Alam naman ng lahat na hindi lang bida roon si Coco Martin.
Siya rin ang tumitimon sa creative aspect nito.
Overall director ang aktor who oversees even the dialogues na wala sa script.
At bilang pagtalima nga sa ipinatutupad na batas concerning drugs ay may polisiya si Coco na kallangang sumallalim sa drug test ang lahat ng involved sa produksyon.
Hindi lingid sa kaalaman in showbiz circles na may ilan ang gumagamit ng droga to keep them on their toes.
llang oras nga naman silang nagtatrabaho pag taping, na kadalasa’y inaabot na the following day.
Pero pagdating sa pakikipagtrabaho, mahigpit at parehas lang ang ipinatutupad na working hours ni Coco.
Maximum of 12 hours lang, hindi lalampas du’n.
Ito’y para daw makapagpahinga ang mga artista’t crew.
Kaso, ‘yung iba’y nahahabaan sa natitirang 12-hour rest kung kaya’t rumaraket pa sa ibang programa o pelikula.
To be able to do that nga naman ay kailangang “buhay” sila, hence, they resort to drugs.
Ang palugit na ibinigay ni Coco ay hanggang October 7, Lunes.
Dapat sa taping day na ‘yon ay nagpa-drug test na ang mga artista’t crew, at kailangang negative ang resulta.
Ang siste: no drug test, no work!
Kaya naman isa sa mga aligaga ay si Rosanna Roces na tapos na sa nasabing requirement.
As she shared on her Facebook account: “Drug test done!”
Napag-alamang may 10 taon nang tinalikuran ni Osang ang droga, at nangakong hindi na muling babalikan. Ronnie Carrasco IIi