MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang low pressure area at mga makakapal na kaulapan ngayong Lunes, Oktubre 7.
Ayon sa PAGASA, ang LPA ay namataan 165 kilometro kanluran, hilagang kanluran ng Coron, Palawan bandang alas-3 ng umaga.
Nakapaloob ito sa isang intertropical convergence zone (ITCZ).
Dahil dito, mararanasan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region, Mimaropa, Quezon, Rizal, Laguna, at Batangas.
Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa ITCZ. RNT/JGC