An Israeli rescue force member inspects the site where a projectile fell,amid cross-border hostilities between Hezbollah and Israel, in Haifa, northern Israel October 6, 2024. REUTERS/Shir Torem
ISRAEL – Tinamaan ng mga rocket ng Hezbollah ang ikatlong pinakamalaking lungsod ng Israel, ang Haifa.
Ayon sa Israeli police nitong Lunes, Oktubre 7, nasa 10 katao ang nasugatan dahil sa pag-atake.
Sinabi ng Hezbollah na tinarget nito ang military base sa timog ng Haifa gamit ang “Fadi 1” missiles.
Dalawa sa mga rocket na ito ang tumama sa Haifa na nagdulot ng pinsala sa ilang gusali at ari-arian. RNT/JGC