Home NATIONWIDE Presyo ng diesel at kerosene, tataas bukas!

Presyo ng diesel at kerosene, tataas bukas!

159
0

MANILA, Philippines – MAGPAPATUPAD ng taas-presyo sa produktong diesel at kerosene ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga, Oktubre 8.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P1.20 sa kada litro ng diesel at P0.70 naman sa kada litro ng kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May dagdag presyo rin sa nasabing mga produkto sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 bukas ng madaling araw habang ang kompanyang CleanFuel ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipapatupad na dagdag presyo sa produktong diesel at kerosene ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad sila ng dagdag presyo na P0.45 sa kada litro ng gasolina, P0.90 sa kada litro ng diesel at P0.30 naman sa kada litro ng kerosene. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here