Home METRO 192 foreign nationals na sangkot sa iligal na aktibidad sa bansa, inaresto...

192 foreign nationals na sangkot sa iligal na aktibidad sa bansa, inaresto ng BI

173
0

MANILA, Philippines – INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 192 foreign nationals sa isinagawang major joint operation na layuning habulin ang mga sangkot sa illegal online scam operations at iba pang paglabag sa imigrasyon.

Nabatid sa BI na isinagawa ang operasyon noong Oktubre 3 sa isang gusali na matatagpuan sa kahabaan ng Sen. Gil Puyat Avenue Extension at Macapagal Blvd sa Pasay City. Ang nasbaing operasyon ay isinagawa bilang tugon sa mga ulat na nagsasaad ng hindi awtorisadong pagtatrabaho at mga ilegal na aktibidad ng mga dayuhang naninirahan sa loob ng bansa.

Ang mga operatiba ng BI Intelligence Division, kasama ang National Bureau of Investigation (NBI), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Department of Justice – Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT), at ang Securities and Exchange Commission (SEC). ay matagumpay na nahuli ang mga dayuhang mamamayan ng Chinese, Vietnamese, at iba pang nasyonalidad.

Nabatid sa BI na ang mga nasabing dayuhan ay sangkot sa hindi awtorisadong pagtatrabaho at mga ilegal na operasyon, na paglabag sa Philippine Immigration Act.

Ayon sa BI, nakumpleto na nila ang initial procedures kabilang ang pagkakakilanlan at dokumentasyon ng mga indibidwal na sangkot. Nagpapatuloy ang mga pagsisiyasat upang matukoy ang mga karagdagan nilang paglabag. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here