Home ENTERTAINMENT Balik-konsehala ni Marjorie sa Caloocan, iniintriga!

Balik-konsehala ni Marjorie sa Caloocan, iniintriga!

222
0

Manila, Philippines- Na-orient na si Marjorie Barretto as to how much campaign funds she needs to raise kung tatakbo siyang kongresista sa Caloocan City.

Dati nang nanilbihan bilang Konsehala ng ikalawang distrito ang 50 anyos na aktres.

This was from 2007 to 2013.

Gamit niyang address noon ay kay Dennis Padilla, dati niyang karelasyon at ama nina Julia, Claudia at Leon.

Sa 2025 ay balak sana ni Marjorie makipagsapalaran sa Kongreso.

Makikialyansa siya kay dating Senator Sonny Trillanes.

But when told that she needs P80M to fund her campaign ay nagbago ang isip ni Marjorie.

Kay Caloocan City 1st district Rep. Oca Malapitan na lang siya titiket bilang Konsehalang muli.

Nangako naman daw ng suporta si Malapitan sa kanya.

Pero hindi pa man ay iniintriga na ang muling pagpalaot ni Marjorie sa local politics.

Kesyo bakit sa Caloocan City niya napiling tumakbo uli samantalang rehistrado siya sa Quezon City?

Naninirahan daw kasi sa isang village si Marjorie sa QC na bahagi ng Barangay Pasong Tamo na hindi sakop ng Caloocan City.

May property rin si Marjorie sa Calumpit, Bulacan kaya bakit daw hindi siya kumatawan sa nasabing bayan?

Sey ng isang taga-Caloocan: “Anong address ang gagamitin niya, ‘yung address dati ni Dennis, eh, matagal na silang wala?!”

Samantala, napabalitang Kongreso rin sa Maynila ang pinupuntirya ng kapatid ni Marjorie na si Gretchen.

Throwing support for Greta is her business partner Atong Ang.

Sa side naman ni Marj, nangako rin ng suporta ang dating Caloocan mayor na ama ng kanyang bunsong anak.

What are the winning chances kaya of the two Barretto sisters? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here