Home NATIONWIDE Kasambahay Partylist tututok sa proteksyon ng mga kasambahay, pagpapalakas ng Kasambahay Law

Kasambahay Partylist tututok sa proteksyon ng mga kasambahay, pagpapalakas ng Kasambahay Law

211
0

MANILA, Philippines – Isa sa tututukan ng Kasambahay Partylist ang international relation sa mga foreign countries sa pamamagitan ng bilateral agreements at ang pagbibigay proteksyon at benipisyo sa mga kasambahay at mapalakas ang Kasambahay Law.

Upang maisulong ito, ang Kasambahay Partylist ay nagsumite na rin ng Certificate of Nomination at Certificate of Acceptance of Nomination o CON-CAN ngayong hapon, Oktubre 7 sa Manila Hotel Tent City.

Ayon kay second nominee Atty. Butch Jason Tornis, dati siyang labor inspector ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaya alam niya ang pangangailangan ng mga kasambahay na napapag-iwanan sa mga regulasyon, karapatan at proteksyon.

Sinabi ni Atty. Tornis na may mga report nang mga pang-aabuso ngunit hindi pa rin agad-agad masagip.

Isa rin sa gagawin ng Kasambahay Partylist na magkaroon ng shelter, helpline sa bawat bayan at magkaroon ng registration at monitoring system para sa kanila.

Ayon pa kay Tornis, makikipag-ugnayan pa rin sila sa DOLE bilang isang regulating agency sakaling palaring mabigyan ng puwesto sa Kongreso upang matutukan ang kapakanan ng mga kasambahay.

Sa datos, mayroon nang 1.4 milyong rehistradong kasambahay sa bansa kung saan 32% aniya ay nakaranas ng pang-aabuso.

Samantala, patuloy ang pagdagsa ng mga Partylist na nagnanais na kumandidato kabilang rito ang Duterte Youth Partylist; Partido Maharlika; Magsasaka; One Coop; Agimat ng Masa; Babae Ako para sa Bayan; at Turismo Isulong Mo bukod sa iba pa.

Mula Oktubre 1, umabot na sa 137 ang lumahok na Partylist at nagsumite ng CON-CAN habang 127 naman ang mga senatorial aspirants. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here