Home METRO Kagawad hinigop ng ilog, dedbol!

Kagawad hinigop ng ilog, dedbol!

142
0

ILOCOS SUR-Dead-on-arrival sa ospital ang isang 45-anyos na Brgy. Kagawad matapos na malunod sa ilog sa Brgy. Suysuyan, Lidlidda ng lalawigang ito kahapon, Oktubre 6.

Pasado alas-5:00 ng hapon nang makita ang biktimang walang malay sa Lucotan River sa kanilang lugar.

Base sa imbestigasyon, bandang 8:00 ng umaga nang magkayayaan ang biktima at ang mga kaibigan niya na mag-inuman.

Pagdating ng 5:00 ng hapon ay nagpunta ng ilog ang biktima.

Makalipas ang ilang sandali ay nakita na lang ang biktimang walang malay at hindi na humihinga sa naturang ilog. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here