Home NATIONWIDE Agri damage sa bagyong Julian, lumobo sa P607M

Agri damage sa bagyong Julian, lumobo sa P607M

141
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa P607.38 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Julian.

Sa bulletin na inilabas ng Department of Agriculture (DA), 10.1% na mas mataas ang naturang halaga sa P551.81 milyong iniulat ng DA noong Oktubre 4.

Nasa 33,110 ang bilang ng mga apektadong magsasaka mula sa Cordillera, Cagayan Valley at Ilocos, habang nasa 25,407 metric tons ng agricultural commodities ang napinsala mula sa 17,344 ektarya ng lupain.

Bigas ang pinakanapuruhan sa pinsalang 70% o P427.65 milyon ng kabuuang halaga.

Sinundan ito ng imprastruktura sa P100 million, kung saan P92.68 million ang irrigation facilities. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here