Home NATIONWIDE Huling araw ng COC filing, dadagsain – Comelec

Huling araw ng COC filing, dadagsain – Comelec

142
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) ang mas maraming pang kandidato sa pagka-senador na magtutungo sa Manila Hotel sa Martes para maghain ng kanilang certificates of candidacy para sa Eleksyon 2025.

Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na hindi bababa sa 23 party-list at 135 senatoriables ang maaaring maghain ng kanilang COC sa Manila Hotel Tent City ngayong Martes, Oktubre 8.

Mas mababa aniya ito sa bilang ng mga aspirants na naghain ng kanilang COC sa huling araw ng filing period noong 2022.

Sinabi ni Garcia na ito ay dahil sa coalition at alliances.

Ang panahon para sa paghahain ng COC ay nagsimula noong Oktubre 1 at magtatapos ngayong Martes, Oktubre 8, 2024.

Matatanggap ng Comelec ang mga sertipiko mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ang mga aplikasyon ng mga aspirante na nasa venue bago ang cut-off time sa pagtatapos ng araw ay tatanggapin at ipoproseso pa rin.

Samantala, muling iginiit ni Garcia na inaasam ng Comelec na maresolba ang lahat ng nuissance sa Nobyembre 30.

Ang huling listahan ng mga kandidato ay ilalathala sa Disyembre 12.

“Sa mga hahabol ngayong araw na ito, siyempre nandito pa kami hanggang 5 p.m.,” ani Garcia.

Pinaalalahanan ng Comelec chief ang mga aspirante na ihanda ang lahat ng dokumento.

Nauna nang sinabi ng Comelec na kabuuang 18,280 puwesto na sumasaklaw sa 14 pwesto sa 254 legislative districts ang paglalabanan sa 2025 elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here