Home NATIONWIDE Bagong kasabwat ikinanta ni Alice Guo sa executive session – Ejercito

Bagong kasabwat ikinanta ni Alice Guo sa executive session – Ejercito

147
0

Lantarang inilutang ni Guo Huang Ping o alyas Alice Guo ang bagong pangalan ng kanyang kasabwat sa pagpapatakbo ng illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Organizaation (POGO) sa ginanap na executive session, ayon kay Senador JV Ejercito.

Sa Kapihan sa Senado, sinabi ni Ejercito na nakapiga ang komite ng bagong impormasyon mula kay Guo na tinalakay sa isang closed-door session, na tumagal nang mahigit isang oras.

“Meron naman,” ayon kay Ejercito.

“Siguro hesitant siya minsan…. Siguro by naming names, medyo natakot din siya. Tao lang. So,there are some names that cropped up,” giit niya.

Sinabi ni Ejercito na dapat maghinay-hinay lamang ang Senado kay Guo dahil natatakot ito para sa sariling buhay.

Sinabi ng mambabatas na maaaring gawing state witness si Guo kung tutukuyin niya ang lahat ng tunay na mastermind at most guilty sa operasyon ng illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operations sa Bamban, Tarlac dahil para siyang biktima ng sitwastyon.

“Siguro, si Alice Guo and company just [have] to… feel secured. Kasi ang target naman natin dito to get to the bottom of it, who are really behind. This is international crime syndicate. Talagang network ito. That’s who we want to pinpoint kung sino talaga,” giit ni Ejercito.

Sa ginanap na unang executive session kay Guo nitong huling bahagi ng Setyembre, sinabi ni Senador Risa Hontiveros, nanguna sa Senate investigation sa illegal POGOS, na nagkakatugma ang kanilang teorya na sangkot dito ang isang s “crucial personality” sa operasyon ng POGO.

Nahaharap si Guo ng kasong graft, qualified human trafficking, money laundering, at tax evasion sa pagkakasangkot sa operasyon ng illegal POGO sa Tarlac. Kasalukuyang nakakulong si Guo sa Pasig City Jail. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here