Home METRO Lolo binaon sa lupa sa away-lupa

Lolo binaon sa lupa sa away-lupa

174
0

MANILA, Philippines – Dahil umano sa awayan sa lupa, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 61-anyos na senior citizenĀ  sa labas ng kanyang bahay sa Brgy Paradahan sa Tanza, Cavite.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si Jose Angelito Domingo Aguinaldo, may-asawa na residente ng Papaya St., Ciudad Verde ng nasabing lugar.

Inaalam naman ang pagkakaklinalan sa dalawang suspek na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat, nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang tahanan bandang alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang dumating ang dalawang suspek at dito pinagbabaril ang biktima na nagresulta sa pagkamatay.

Batay sa ginawang imbestigasyon ng pulisya lumitaw na awayan sa lupa ang motibo sa pagpatay.

Nagsasagawa manhunt operation at backtracking ang pulisya sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa posibleng dinaanan at pagkakakilanlan ng mga suspek. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here