Home METRO #WalangPasok sa Maynila, Pasay sa Oktubre 14-15 para sa Asia-Pacific Ministerial Meet

#WalangPasok sa Maynila, Pasay sa Oktubre 14-15 para sa Asia-Pacific Ministerial Meet

184
0

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes na suspendido ang klase sa lahat ng antas at pasok sa trabaho sa gobyerno sa Lungsod ng Maynila at Lungsod ng Pasay mula Oktubre 14 hanggang 15 para sa gagawing pagho-host ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR).

Nakasaad sa Memorandum Circular No. 66, sinuspinde ng Malakanyang ang klase at pasok sa trabaho sa gobyerno dahil ang mga magpapartisipa ay “expected to travel to and within the Cities of Manila and Pasay on 14 and 15 of October for the opening” at “to allow for the organized conduct of the APMCDRR.”

Subalit, sinabi ng Malakanyang na dapat na ipagpatuloy ng mga tanggapan ng pamahalaan ang kanilang operasyon na ang tungkulin ay may kinalaman sa paghahatid ng basic at health services, disaster preparedness, at iba pang mahalagang serbisyo sa naturang mga petsa.

Idagdag pa rito, ipinauubaya naman ng Malakanyang ang suspensyon sa klase at trabaho sa pribadong sektor sa kani-kanilang mga management.

Samantala, ang international meet ay isasagawa sa Philippine International Convention Center na may temang “Surge to 2030: Enhancing Ambition in Asia-Pacific to Accelerate Disaster Risk Reduction.” Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here