Home ENTERTAINMENT Ina ni Kath, boto kay Alden!

Ina ni Kath, boto kay Alden!

191
0

Manila, Philippines – Idinaan ni Mommy Min sa short video na ipinost niya sa kanyang Instagram page ang pagpasa ni Alden Richards sa panlasa niya para sa anak na si Kathryn Bernardo.

Kung ebidensya ngang matatawag ang short video na ‘yon, walang dudang boto ang showbiz mom sa aktor sa umano’y namumuo o mamumuo pa lang na relasyon sa pagitan nila ni Kathryn.

Kuha ang video na ‘yon sa unang mall tour kaugnay ng pelikulang muling pinagtatambalan ng KathDen sa Nuvali kamakailan lang.

Makikitang karga-karga ni Alden si QQ, ang pamangking babae ni Karhryn.

Sa isang bahagi’y may kuha rin sina Monmy Min, Alden, QQ at isa pang pamangkin ni Kath na si Lhexine.

Obyus na magiliw ang pakikitungo kay Alden ng side ng kanyang leading lady sa kanilang reunion movie.

Tulad nga ng madalas nating sabihin: “Uwian na…may nanalo na!”

Siyempre, ang tinutukoy na winner ay si Alden.

Matatandaang naugnay si Kathryn kamakailan kay Jericho Rosales.

For some reason, humupa ang tsismis tungkol sa dalawa hanggang mabalitaan na lang nating kay Janine Gutierrez naman nali-link si Jericho.

Bukod sa 44 anyos na ang aktor, naiulat ding tinangkang pormahan ni Donny Pangilinan si Kathryn kaso’y nag-back out ito.

Gayunpaman, malalaman ang real score pagkatapos maipalabas ang KathDen movie.

Marami kasi ang naniniwalang publicity stunt lang ang kanilang closeness.

In short, fake! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here