Home ENTERTAINMENT Rudy Baldwin, bet gamutin si Kris!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Rudy Baldwin, bet gamutin si Kris!October 11, 2024 19:301830 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- “Vision” ang tawag ni Rudy Baldwin sa kanyang mga hula.Para sa impormasyon ng marami, na-feature na ang natiurang visionary sa KMJS ni Jessica Soho at Rated K ni Korina Sanchez.Masasabing sought after si Rudy dahil talaga namang makatindig-balahibo ang kanyang mga hula.Sinadya siya mismo ni Ogie Diaz.Karamihan sa mga hinulaan ni Rudy ay mga sikat na artista, singer at direktor.May halo ring mga bata’t matanda.Pero karamihan sa mga ito — ayon sa nakikita ni Rudy — will figure in fatal accidents.Binalanse naman ni Rudy ang kanyang prediksyon sa pagbibigay ng pangontra para maiwasang mangyari ‘yon.The least Rudy did ay ibulong kay Ogie kung sinu-sino ang mga ‘yan instead of dropping their names para iwas demanda.Sa bandang huli’y nakakatihang itanong ni Ogie kay Rudy si Kris Aquino.Tulad ng alam ng lahat, nasa Pinas na si Kris at patuloy pa ring nagpapaganot.Ang latest nga, Kris was diagnosed to be suffering from five autoimmune diseases.Ani Rudy, kung mabibigyan lang siya ng pagkakataon at permiso, nais daw niyang puntahan si Kris.Positibo ang nakikita ni Rudy kay Kris: gagaling daw ito mula sa kanyang karamdaman.Ang gagawin daw ni Rudy kay Kris ay meron siyang ipahihilamos sa mukha nito at pagkatapos ay ipahaharap niya ito sa salamin.Sa salamin daw matutuklusan ni Kris kung sino ang may gawa ng sakit nito.Willing daw si Rudy na ganutin si Kris kahit walang bayad: “Hahawakan ko lang ang kamay niya.”Kahit noon pa’y marami na rin ang nagpapayo kay Kris na subukan ang ibang paraan na gamutan.Pagbibida ni Rudy, wala pa raw siyang vision na sumablay o hindi nagkatotoo. Ronnie Carrasco III