MANILA, Philippines – Sinabi ng private operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Huwebes, Oktubre 10, na nagpatupad ito ng bagong protocol para sa mga VIP services upang maiwasan ang pang-aabuso sa mga katulad na kortesiya.
Sinabi ng New Naia Infrastructure Corp. (NNIC) sa pahayag na ang mga VIP privileges, ay para sa mga dignitaries at iba pang important individuals, na madaling ma-access sa mga nakalipas na panahon sa halagang P800.
Sa nasabing halaga, Kahit sinong pasahero ay maaari nang lampasan ang regular airport procedures.
Sinabi ng NNIC na patuloy itong magsisiguro ng ligtas at maayos na travel service sa mga VIPs at IPs kabilang ang high-ranking officials, dignitaries at foreign representatives.
Sa kabila nito, hindi naman hinihimok ng NNIC ang nonessential use para rito, kung kaya’t ipatutupad nito ang “tailored fees” para sa mga pasaherong hindi klasipikado bilang VIPs o IPs ngunit nais ng kaparehong serbisyo katulad ng international performers at iba pang high-profile passengers.
Ayon sa kompanya, ito ay katulad ng ginagawa sa ibang mga Paliparan sa mundo kung saan ang premium services ay may mas mataas na rate upang limitahan ang mga naturang request at siguruhin ang availability para sa mga talagang nangangailangan nito.
Sa kabila nito, hindi naman binanggit ng NNIC kung magkano ang magiging bagong rate para sa naturang serbisyo. RNT/JGC