Home OPINION BAGONG TRO VS. BCDA, CDC SA KALANGITAN LANDFILL

BAGONG TRO VS. BCDA, CDC SA KALANGITAN LANDFILL

168
0

BAGAMAN hindi pa tapos ang makatarungang laban ng Metro Clark Waste Management Corporation, isang maliit na tagumpay naman ang nakamit ng kompanya.

Ang Metro Clark ay siyang operator ng Kalangitan Sanitary Landfill sa Capas, Tarlac, na pilit na ipinasasara ng Bases Conversion and Development Authority at ng Clark Development Corporation kahit hanggang year 2049 pa ang ‘lease agreement’ nito.

Nitong nakaraang Martes, October 8, naglabas ang Regional Trial Court  Branch 66 ng Capas ng isang panibagong temporary restraining order pabor sa Metro Clark upang hindi makapasok nang iligal sa landfill ang BCDA at CDC.

Ang tatlong araw na TRO na naunang nakuha ng Metro Clark noong October 4 ay in-extend pa ng parehong RTC hanggang October 24.

Ang paglapit ng Metro Clark sa korte ay bunsod na rin ng sinasabing pagtatangka ng BCDA at CDC na pwersahang pagpasok at pagsakop ng mga ito sa landfill.

Ayon sa management ng Metro Clark, ang iligal na hakbang ng BCDA at CDC ay nagdulot ng pangamba sa kanila at naging malaking balakid sa kanilang operasyon sa landfill. Dahil dito kaya sila napilitang humingi ng tulong sa hukuman.

Sinabi pa ng Metro Clark, kahit may inisyal ng TRO noong una ay tuloy-tuloy pa rin daw ang BCDA at CDC sa pagbabanta nang pagpasok sa Kalangitan Sanitary Landfill.

Ito ang nilalaman ng unang TRO: “A clear and unmistakable right exists in favor of the plaintiff, who has been disturbed in their peaceful possession of the subject leased premises. The plaintiff holds a valid lease agreement over the 100-hectare property, which is set to expire in the year 2049, with an option for renewal until the year 2065.”

Hangga’t may bisa ang huling TRO, pinagbabawalan ng RTC ang mga defendant na sina BCDA PCEO Joshua Bingcang at CDC PCEO Agnes VST Devanadera at pati ang security forces ng mga ito na pwersahang palayasin o itaboy ang plaintiff na Metro Clark mula sa 100-ektaryang lupang kinalalagyan ng landfill.

Salamat sa RTC Branch 66 sa Capas, Tarlac, dahil sa paggitna sa isyu upang hindi sumabog ang kaguluhan sa lugar. Sa patuloy na operasyon ng Kalangitan Sanitary Landfill siguradong makaaasa ang mga taga-Central at taga-Northern Luzon na mayroon pa rin silang mapagtatapunan ng basura.

Sa BCDA at CDC, huwag kayong maging mapusok at igalang n’yo  sana ang karunungan ng hukuman.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here