Manila, Philippines- Hindi si Julia Roberts, ayon sa pabirong tanong ni Cristy Fermin, kung sino ang susunod na maghahabla sa kanya ng kasong cyber libel.
In recent memory, magkakasunod na naghain ng nasabing reklamo ang mga sumusunod laban sa radio/online host:
Nauna si Esther Lahbati sa piskalya ng Quezon City Prosecutor’s Office ngunit sa ngayon ay na-dismiss na ang kaso.
Sinundan ito ni Bea Alonzo sa nasabi ring lungsod.
Pinangatluhan ito ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa Makati Prosecutor’s Office.
Sa kabila ng patung-patong na asunto’y nilinaw ni Cristy na karapatan ninuman ang magsampa ng demanda kahit na sino.
Gayunpaman, nasambit ni Cristy na lume-level up na raw ang mga nagdedemanda sa kanya, sabay pabirong nagtanong who could possibly be next.
Jokingly, ang Hollywood actress daw bang si Julia Roberts?
As it turned out, may humabol pa, making four the total number of lawsuits that Cristy is facing.
Sa Pasig City Prosecutor’s Office naman nag-file ng kapareho ring kaso si Dominique Roque, dating nobyo ni Bea.
Kaagad namang nagbigay ng sagot si Cristy sa PEP.
Naninindigan pa rin si Cristy na karapatan ninuman ang magsampa ng demanda laban kaninuman.
Dagdag pa niya: “Nariyan naman ang piskalya para humusga, doon ang laban…wala sa labas!”
Bago rito’y inuudyukan din daw ng mga netizen si Vice Ganda na gumawa ng ligal na aksyon laban sa ‘di niya pinangalanang personalidad believed to be Cristy.
Damay rin sa mga demanda kay Cristy ang mga kasamahan niya sa online show na Showbiz Now Na. Ronnie Carrasco III