Home METRO Bangkay ng mag-ama natagpuan sa Abra

Bangkay ng mag-ama natagpuan sa Abra

139
0

ABRA- Hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang bangkay ng mag-ama na parehong may tama ng bala ng baril sa ulo at ginilitan ang leeg nang matagpuan malapit sa Abra-Kalinga Road, Sitio Pasigad, Brgy. Bonglo, Licuan-Baay ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Alex Borreta at ang anak nitong si Richard, 17, parehong residente ng Brgy. Agtangao, Bangued, Abra.

Nagtratrabaho ang ama bilang part time driver samantalang isa namang estudyante ang anak nito.

Narekober sa lugar ang dalawang empty shell at bala para sa cal. 46 na baril at dalawang empty shell para sa 5.56 armalite rifle.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ang mga awtoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang mga salarin. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here