Home METRO 3 arestado sa P6.8M shabu

3 arestado sa P6.8M shabu

104
0

BACOLOD CITY- UMABOT sa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa tatlong high-value drug suspects sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad, iniulat kahapon, Oktubre 14 sa lungsod na ito.

Sa pinagsamang operasyon Bacolod Police Station 8 at City Drug Enforcement Unit (CDEU), bandang 9:32 PM nitong Linggo nadakip ang isang Biboy, residente ng Barangay Villamonte.

Nakuha sa suspek ang hinihinalang shabu na may bigat ng 500 gramo na may street value na P3,400,000.

Sunod naman nadakip ng mga tauhan ng Police Station 2, bandang 1:00 AM noong Lunes sa Purok Rose, Barangay 9 sina alyas Elizabeth, ng Barangay 27, at alyas Jupet, Barangay Tangub.

Narekober sa dalawa ang 500 gramo ng pinaniniwalaan shabu at aabot sa halagang P3,400,000.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here