Home METRO Tiyuhin hinataw ng bote ng pamangkin

Tiyuhin hinataw ng bote ng pamangkin

140
0

AKLAN-GINAGAMOT sa ospital ang isang lalaki matapos hampasin ng bote ng alak ng sariling pamangkin makaraan ang pagtatalo dahil tinawag ng huli na ‘drug lord’ ang nobyo ng anak ng una, kagabi, Oktubre 14 sa bayan ng Kalibo.

Nagpapagaling ngayon ang biktima na si alyas Bern, 56-anyos, habang dinakip naman ng mga awtoridad ang suspek at pamangkin nitong si alyas Mac, nasa hustong gulang at kapwa residente ng Brgy. Bakhaw Norte, Kalibo.

Batay sa report ng Kalibo Police Station, bandang 8:00 PM nag-iinuman ang magtiyuhin sa nasabing lugar ng bigla na lamang nagkaroon ng pagtatalo ang mga ito.

Kwento ng kaanak, nag-iinuman ang magtiyuhin ng bigla na lamang tinawag ng suspek na drug lord ang boypren ng anak ng kanyang tiyuhin.

Nagalit ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng bote ng alak ang suspek at pinalo ng ulo ng tiyuhin.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima para lapatan ng lunas habang ang suspek dinakip ng mga rumespondeng pulis para sa karampatang disposisyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here