Home METRO Wanted sa pagpatay sa Malabon, nadakip sa Navotas

Wanted sa pagpatay sa Malabon, nadakip sa Navotas

215
0

MANILA, Philippines – Pasok sa kulungan ang isang lalaki na wanted sa kasong pagpatay sa Lungsod ng Malabon matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Navotas City.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng 47-anyos na akusadong nasa Top 4 Most Wanted Person ng Malabon police.

Kaagad inatasan ni Col. Cortes ang mga tauhan ng Warrant of Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para sa gagawing pagtugis sa akusado.

Katuwang ang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station (SS4), agad nagsagawa ang WSS team 1 ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-10:55 umaga sa Bangus Street Barangay, NBBS Kaunlaran.

Ang akusado ay binitbit ng mga tauhan ni Col. Cortes sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rhoda Magdalene Mapile-Osinada ng Regional Trial Court Branch 170, Malabon City, para sa kasong Murder.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas City Police Station habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment orde mula sa korte. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here