MANILA, Philippines – Nakapasa sa Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) ang kabuuang 47,459 examinees na ginanap sa buong bansa noong Àgosto 11, sinabi ng Civil Service Commission (CSC) .
Ayon sa CSC, p42,812 examinees, na bumubuo ng 14.43 percent ng 296,758 total candidates, ang nakapasa sa CSE Professional Level, habang 4,637 indibidwal o 14.18 percent ng 32,707 examinees ang nakakuha ng passing rate para sa CSE Subprofessional Level.
Sa rehiyon, nakamit ng National Capital Region ang pinakamataas passing rate na 18.96 porsiyento, na may 8,242 matagumpay na examinees mula sa 43,478 indibidwal na kumuha ng pagsusulit.
Pumangalawa ang Central Luzon habang pumangatlo ang Calabarzon, na may 18.73 porsyento (4,153 pumasa sa 22,178 examinees) at 17.56 porsyento (6,846 mula sa 38,978) ang mga pumasa, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, ang pag-claim ng Certificate of Eligibility (CoE) para sa mga pumasa, na naka-print sa CSC letterhead at inisyu nang walang bayad, ay makukuha na sa Nobyembre 20 sa kinauukulang CSC Regional Office (RO) o Field Office (FO) kung saan ang pagsusulit ay kinuha. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)