Home NATIONWIDE SolGen Guevarra sa drug war ‘rewards’: May mga tsismis, pero walang testigo

SolGen Guevarra sa drug war ‘rewards’: May mga tsismis, pero walang testigo

155
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra nitong Miyerkoles na may mga tsismis tungkol sa dapat na sistema ng pabuya para sa mga napatay na drug suspect noong nakaraang administrasyon ngunit walang lumabas na testigo para kumpirmahin ito.

“May mga sabi-sabi lang about it, pero walang actual na testigo who came forward para sabihin na meron talagang ganyang sistema na initiated by, you know, people sa taas kaya masasabing may scheme talaga,” ani Guevarra sa isang interbyu.

Nagsilbi si Guevarra bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang reward system ay inihayag sa pagdinig ng House Quad Committee (QuadComm) ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma.

Isang retiradong police colonel, tumestigo si Garma na hiniling sa kanya ni Duterte na maghanap ng isang pulis na maaaring magpatupad ng “modelo ng Davao” ng drug war sa pambansang saklaw. Ang modelo ng Davao, aniya, ay tumutukoy sa isang “sistema na kinasasangkutan ng mga pagbabayad at gantimpala.”

Samantala, sinabi ni Guevarra na nagsagawa rin ng imbestigasyon ang DOJ sa ilalim ng kanyang pamumuno sa drug war ngunit naputol ito sa pagbabago ng liderato mula kay Duterte hanggang kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Inaasahan namin na ang DOJ at iba pang law enforcement agencies ay ipagpapatuloy ‘yung aming imbestigasyon noong ako ay Justice secretary at mas madali na ngayon ang kanilang gagawing imbestigasyon dahil ang QuadComm ay nakakalap na ng bagong ebidensya na hindi lumilitaw noong nakaraang administrasyon,” sabi niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here