Home NATIONWIDE Pag-alis ni Mylah Roque ng Pinas, ipinaalam sa’min – Barbers

Pag-alis ni Mylah Roque ng Pinas, ipinaalam sa’min – Barbers

196
0

MANILA, Philippines – Ipinaalam ni Mylah Roque, asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque, sa mga kongresista tungkol sa kanyang checkup sa Singapore sa gitna ng kanyang arrest order mula sa QuadComm ng House of Representatives, panel co-chair at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Barbers, na namumuno din sa House dangerous drugs panel, na nagpadala si Mylah sa mga miyembro ng joint committee ng sulat tungkol sa kanyang pag-alis.

“Well, I cannot judge kung bakit siya umalis kasi siguro talagang mayroon siyang letter kasi sa amin na sinasabi niya na nagpacheck-up yata siya sa Singapore and mula noon ay hindi na bumalik,” ani Barbers sa Kapihan sa Manila Bay forum.

“Sana walang seryosong nangyayari sa kanya, kasi sa ganu’n katagal, hindi namin alam, we just hope and pray na walang serious medical issue,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Barbers na ipipilit ng ibang mambabatas na personal na dumalo si Mylah at sagutin ang mga tanong sa mga pagdinig, kahit na naisumite na ang mga dokumento.

“‘Yong sinasabi na sinubmit ko na lahat ng dokumento, etcetera. Yes, we do appreciate that, of course. But, the documents will not be able to answer the questions that will be asked. So, I think the members would insist na siya ay mag-attend at sumagot ng mga tanong,” dagdag pa niya.

Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes na umalis ng Pilipinas si Mylah noong Setyembre 3.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na isang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ang inisyu laban kay Mylah noong Setyembre 16. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here