Home METRO Naburyong sa paulit-ulit na katok, magsasaka ginilitan

Naburyong sa paulit-ulit na katok, magsasaka ginilitan

BUKIDNON – Ginilitan hanggang sa mamatay ang isang magsasaka ng isang suspek na napikon umano sa kakakatok ng biktima sa gitna ng dis oras ng gabi.

Base sa imbestigasyon, sinabing ginilitan ng suspek ang biktima gamit ang karit sa Sitio Minsayaw, Barangay Sta. Ines.

“Dahil sa maraming beses na pagkatok, ang biktima at suspek ay pawang naka-inom noong panahon na iyon pero hindi sila magkasama sa pag-inom. Nasa loob ng bahay ang suspek kaya dahil sa pagkairita niya sa tuloy-tuloy na pangangatok ng biktima, napuno niya,” ani Police Major Joann Navarro, spokesperson ng PRO-10.

“Sa background investigation na ginawa ng kapulisan, wala silang away. Hindi rin sila magkagalit. Wala ring insidente na nangyari na masasabi natin na mayroon silang mga previous grudge,” dagdag ni Navarro.

Dead on arrival naman sa ospital ang biktima habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek, na nahaharap sa kasong murder. RNT