Home METRO Construction worker utas sa suwag ng bus

Construction worker utas sa suwag ng bus

167
0

LA UNION-Tigok ang isang 34-anyos na lalaki samantalang sugatan ang angkas nito matapos bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang bus sa Brgy. Ambalite, Pugo ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang driver ng Red Rusi 175 motorcycle na isang construction worker samantalang isinugod naman sa La Union Medical Center sa Agoo, La Union ang angkas nitong 36-anyos na lalaki, na isa rin construction worker, parehong mga residente ng Mangkayan, Benguet.

Minamaneho naman ng 49-anyos na company bus driver na residente ng San Leonardo, Nueva Ecija ang Tutong Truck Bus.

Nabatid na bumibiyahe papuntang hilagang direksyon sa Pugo-Rosario Road sa naturang lugar ang bus samantalang papunta naman ng opposite direction ang motorsiklo

Pagdating sa sharp curve, hinihinalang naagaw ng motorsiklo ang lane ng bus na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Nagtamo ng severe injury ang driver ng motorsiklo na ikinasawi nito. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here