Home ENTERTAINMENT Barbie, nag-AWOL sa BQ; pinagbigyan!

Barbie, nag-AWOL sa BQ; pinagbigyan!

114
0

Manila, Philippines- AWOL.

Ganito nga ang nangyari kay Barbie Imperial–absence without leave.

Worse, nawala siya’t sukat sa taping sked ng Batang Quiapo nang walang pasabi.

She disappeared ni ha, ni ho nang walang justifiable reason.

Ayun lang pala si Tisay (her name in the said ABS-CBN series), ka-join ang kanyang rumored beau na si Richard Gutierrez sa taping ng

Incognito sa Italy.

Mabuti sana if Barbie is also one of the cast members.

Pero malay naman natin, yaman din lang na nasa set siya, she might as well appear in a scene or two.

Sa kanya ngang pag-alis nang walang paalam o abiso, lumutang na tinanggal na ang kanyang karakter.

Eh, with Coco pa naman bilang katrabaho, the unwritten rule is that: you don’t mess around with him.

Katwiran ng marami which Coco shares, maraming artista riyan ang nagkakandarapang mabigyan ng trabaho most especially in the series.

Entonces, walang dahilan para hindi palitan si Barbie.

As a famous showbiz line goes: “Nobody is indispensable.”

But officially, there’s no truth na tinanggal na si Barbie sa BQ.

Mismong ang produksyon na ang nag-anunsyo na nakapagtuos na raw sina Coco, Barbie at buong production team: the actress is there to stay.

‘Yun nga lang, magsilbi sanang warning ‘yon hindi lang kay Barbie kundi sa mga major cast members na mahalin naman nila ang kanilang trabaho.

Kunsabagay, ilang beses na nating narinig from the seasoned stars themselves ang secret to one’s longevity in showbiz?

Simple lang–love your work and it will love you back.

Understood, Barbie?

Don’t confuse the word “work” with Richard Gutirrez dahil given na ‘yon! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here