Home NATIONWIDE Magsasaka, anak patay sa kinaing namatay na kalabaw

Magsasaka, anak patay sa kinaing namatay na kalabaw

113
0

MANILA, Philippines – Isang magsasaka at kanyang anak sa bayan ng Sto. Nino, Cagayan ang nasawi matapos na hinihinalang ma-infect ng anthrax mula sa kinatay at kinain nilang karne ng kanilang patay na kalabaw.

Sinabi ng Cagayan Provincial Health Office, noong Oktubre 6 nang kainin ng isang magsasaka ang kanyang kalabaw na kalaunan ay natagpuang patay kinaumagahan.

Sa halip na ilibing ang bangkay, kinatay nila ng kanyang anak ang hayop at ipinagbili ang karne nito. Kinain din nila ang carabeef.

Pagkaraan ng ilang araw, nagkasakit ang dalawang lalaki. Nakaranas sila ng lagnat, panginginig, nanghina ang katawan at nagkaroon ng madilim na kulay na mga sugat sa kanilang balat.

Parehong naka-confine sa ospital. Ang kanilang mga specimen ay ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) upang matukoy kung sila ay nahawaan ng anthrax.

Inoobserbahan din ng mga awtoridad ang nasa 100 katao na bumili ng karne ng kalabaw.

Ayon sa US Center for Disease Control and Prevention at ng Department of Health, ang anthrax ay isang bacterial disease (Bacillus anthracis) na karaniwang nakakahawa sa mga hayop na kinabibilangan ng mga kalabaw.

Ang bakterya ay maaaring maipasa sa mga tao na nagkatay o kumakain ng karne ng mga hayop na nahawaan ng anthrax, lalo na kung ito ay natupok ng hilaw o hindi wastong pagkaluto.

Ang isang tao ay maaari ring mahawahan kung ang bacteria spores ay nalalanghap o nakapasok sa pamamagitan ng bukas na sugat. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here