Home NATIONWIDE Agri, infra damage mula sa hagupit ni ‘Julian’ sumampa sa P1.4B

Agri, infra damage mula sa hagupit ni ‘Julian’ sumampa sa P1.4B

142
0

MANILA, Philippines- Pumalo na ang pinagsamang halaga ng pinsala sa imprastraktura at sa agrikultura mula sa Super Typhoon Julian sa lampas P1.4 bilyon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes.

Sa pinakabagong situational report, sinabi ng ahensya na ang pinsala sa agrikultura ay tinatayang P504.1 milyon sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Samantala, ang pinsala sa imprastraktura ay tinatayang P965.1 milyon sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera.

May kabuuang 2,604 tahanan ang napinsala sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera.

Umabot naman ang confirmed death toll mula sa super typhoon sa lima–apat mula sa Ilocos at isa mula sa Cagayan Valley.

Nasa 12 indibidwal ang kumpirmadong sugatan sa Cagayan Valley habang isa ang naiulat na nawawala sa Cordillera.

Apektado rin sa hagupit ni Julian ang 113,510 pamilya na katumbas ng 376,029 indibdiwal na naninirahan sa 973 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here