MANILA, Philippines – Ibinuhos ng San Miguel ang init sa second half para bawiin ang laban sa Barangay Ginebra, 131-121, at itabla sa 2-2 ang ang kanilang PBA Governors Cup semifinals series.
Nagtulong sina June Mar Fajardo, CJ Perez, at EJ Anosike para sa malaking breakaway para lampasan ng Beermen ang GinKings, 37-29, sa high-octane third quarter para selyuhan ang resulta ng Game 4 sa harap ng malaking crowd noong Miyerkules sa ang Smart Araneta Coliseum.
Nagkaroon ang SMB ng 99-85 lead dahil sa third quarter run sa pagpasok ng huling quarter.
Nagtapos si June Mar Fajardo na may 29 puntos at 16 na rebounds para tulungan ang Beermen na lampasan ang 49 puntos na itinarak ng import ng Ginebra na si Justin Brownlee at ipantay ang best-of-seven series sa 2-2.
Nakatakda ang Game 5 sa ngayong Biyernes sa Ynares Cnter sa Antipolo.
Dinala ni Justine Brownlee ang karamihan sa work load para sa Ginebra na may 49 puntos kabilang ang 17 sa ikatlong yugto nang muntik niyang pasanin ang Kings sa kanyang malawak na balikat.
Nagdagdag ang naturalized player ng Gilas Pilipinas ng siyam na rebounds at limang assist, habang perpektong 2-of-2 mula sa four-point line.
Umambag si Stephen Holt ng 17, at si Scottie Thompson 15 para sa Kings.
Ang serye ay isa na ngayong virtual best-of-three at umaasa si San Miguel coach Jorge Galent na ang takbo ng Beermen na manalo sa even number games ay magpapatuloy sa mga susunod na laban.JC