MANILA, Philippines- Nadakip ng mga operatiba ng Indang Municipal Police Station (MPS) ang isang senior citizen na inaakusahan ng rape at acts of lasciviousness sa Cuyapo, Nueva Ecija, nitong Miyerkules.
Kinilala ng Cavite Police Provincial Office ang suspek na si alyas Samuel, a 63-anyos na residente ng Indang, Cavite. Isa siya sa most wanted persons ng Region IV-A.
Nahuli ang suspek batay sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 15 sa Naic, na walang inirekomendang piyansa para sa rape, at P180,000 piyansa para sa acts of lasciviousness.
Nagsagawa ang Indang MPS ng operasyon sa pakikipagtulungan sa Cuyapo Municipal Police Station, Gapan City Police Station, at Cavite Maritime Police Station.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Indang MPS si alyas Samuel. RNT/SA