Home METRO Parak na nagpapatrulya sa dagat nahulog sa bangka, nawawala

Parak na nagpapatrulya sa dagat nahulog sa bangka, nawawala

154
0

MANILA, Philippines- Nagsasagawa ng search and rescue operation sa kasalukuyan, upang matunton ang isang pulis na nahulog sa dagat sa Barangay Guianon, Nueva Valencia sa Guimaras.

Naganap umano ang insidente ng alas-8:30 ng gabi noong Oktubre 16, 2024 sa isang anti-illegal fishing operation ng local seaborne patrol.

Kinilala ang nawawalang pulis na si Staff Sergeant Michael Gatinao, 42, may asawa, at nasa 16 taon na sa serbisyo sa kapulisan. Residente siya ng Sitio Serum, Barangay San Nicolas, Buenavista sa Guimaras at nakatalaga sa Nueva Valencia Municipal Police Station.

Sinabi ni Police Lt. Col. Cecilia Hulleza, hepe ng Personnel and Human Resource Management Unit ng Guimaras Police Provincial Office, hinahabol umano ng grupo ang isang bangkang sangkot sa illegal fishing nang mahulog sa bangka ang pulis.

Huling nakita si Gatinao na nakasuot ng asul na jacket, olive green police shirt, pantalon na may pixelated design. Dala niya ang kanyang service firearm, isang Gloc 9mm, na may serial number PNP1494, bukod sa iba pa. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here