Home ENTERTAINMENT Diwata, binoljak ni RR!

Diwata, binoljak ni RR!

Manila, Philippines- Tila mas marami ang ‘di tanggap na tumakbo sa Kongreso si Diwata.

May-ari ng dinudumog na pares overload na nakapagpundar na riin ng branch sa Quezon City, nag-file nga ng CoC si Diwata bago mag-deadline.

Kinakatawan ni Diwata ang Vendors’ partylist bilang ikaapat na nominee nito.

Nauna nang “binanatan” si Diwata ng motivational speaker na si Rendon Labador.

Ani Rendon who’s just as controversial in social media, baka raw inakala ni Diwata na magluluto lang siya ng tinitindang pares sa Kongreso.

Bukod kay Rendon, nakatikim din ng pamboboljak si Diwata kay RR Enriquez.

RR has earned the infamous title as Sawsawera Queen.

Pero lagi niyang iginigiit na nakikisawsaw lang siya sa mga isyu “in a good way.”

Ipinost kasi ni RR sa kanyang Facebook ang video ng pakikisalamuha ni Diwata sa mga residente ng Pasig.

Partikular na kabungguang-siko ni Diwata ay mga nagsu-zumba session.

Obyus na tumaas ang kilay ni RR sa “kaplastikan” ni Diwata.

Post niya in all caps: “DATING HINDI NAMAMANSIN, NGAYON NAGPAPAPANSIN!”

Minsan nang ginawang puntos laban kay Diwata ang pagsusuplado nito pag natitiyempuhang tumatao sa kanyang puwesto malapit sa Senate building sa Pasay City.

Ni hindi nga raw ito marunong ngumiti sa kanyang mga kostumer at piling-pili lang ang mga binabati lalo na ‘yung may mga dalang regalo sa kanya.

Pero huwag mag-alala sina Rendon at RR dahil hindi porke tatakbo si Diwata sa Kongreso ay nakakatiyak na itong mananalo. Ronnie Carrasco III