Home NATIONWIDE Biktima ni Quiboloy sa sexual abuse ‘nag-iinit’ sa Senate hearing

Biktima ni Quiboloy sa sexual abuse ‘nag-iinit’ sa Senate hearing

142
0

MANILA, Philippines- Gustong-gusto nang masimulan ng ilang biktima umano ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa ilang krimen ng naturang religious leader mula Davao City.

Inihayag ito ni Senador Risa Hontiveros, chairman ng Senate committee on women, youth and family relations na nag-iimbestiga sa ilang krimen ni Quiboloy kabilang ang sexual abuse ng kabataan, money laundering at human trafficking.

“Kung yung marami nga sa kanila ay ilang taon na naghintay na sabihin ang totoong nangyari sa kanila. Yung ilan doon na mga menor de edad pa ay inabuso ni Apollo Quiboloy… [A]kala nga nung iba eh siguro ibabaon na lang nila sa hukay hanggang sa sila’y mamatay yung teribleng nangyari sa kanila,” ayon kay Hontiveros.

Nakatakdang ipagpatuloy ni Hontiveros ang imbestigasyon sa alegasyon ng sex abuse at human trafficking laban kay Quiboloy, na kasalukuyang nakakulong .

“Ang aming pagdinig po, sabi nga namin sa resolusyon ay in aid of legislation at ito po ay may layong palakasin, hindi lamang yung pagkasulat kundi yung pag-implementa ng mga batas natin tungkol sa proteksyon sa mga babae, sa mga bata, sa ating mga manggagawa,” ani Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros na kanyang irerespeto ang disposiyon ng korte sa kanilang kahilingan na iharap si Quiboloy sa Senate probe matapos maghain ng petisyon ang kampo nito na ibasura ang kahilingan.

“Pero standing po talaga ang ganyang obligasyon ni Apollo Quiboloy na paunlakan at hindi deadmahin yung mga imbitasyon at subpoena sa aming Senado at lalo na yung obligasyon niyang humarap sa mga victim survivors niya sa aming pagdinig,” giit ng senador.

Inakusahan si Quiboloy ng ilang menor-de-edad na miyembro ng KOJC ng pamomolestiya sa pagsasabing gusto ng pastor na suriin kung “virgin” pa sila. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here