Home NATIONWIDE Nasawi sa pagkalunod sa Pinas, dumami – WHO

Nasawi sa pagkalunod sa Pinas, dumami – WHO

227
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng World Health Organization (WHO) na tumaas ang bilang ng mga nasawi sa Pinas dahil sa pagkalunod kung saan karamihan sa mga nasasawi ay mga bata.

Sinabi ni Dr. Hiromasa Okayasu, WHO Western Pacific Region, Director of Healthy Environment and Population, sa Regional Press Conference sa Manila na karamihan o malaking bahagi ng mga naturang pagkamatay ay mga menor de edad o bata.

Ang kinatawan ng WHO ay hindi nagbigay ng mga tiyak na numero sa kasalukuyang pagkalunod sa bansa ngunit ang pinakahuling data ay nagpakita na sa 42,539 na injury-related deaths, na ang 27,258 ay dahil sa hindi sinasadyang mga pinsala, kabilang ang pagkalunod.

Iniulat ng WHO noong 2021 na tinatayang nasa 300,250 indibidwal ang namatay sa pagkalunod na naging pangunahing problema sa pampublikong kalusugan sa buong mundo.

Ipinakita ng pag-aaral na ang pagkalunod ay ang pangatlong nangungunang sanhi ng unintentional injury death ay ‘nagbibigay ng 9% ng lahat ng pagkamatay na may kaugnayan sa pinsala.’

Nakikipag-ugnayan na ang WHO sa Department of Health (DOH) at mga katuwang nito upang magkaroon ng multi-sectoral plan para sa drowning prevention sa Pilipinas .

Layunin din nilang isama ang mga aktibidad sa paglangoy at tubig sa kurikulum ng paaralan.

Karamihan din umano sa mga sangkot sa pagkalunod ay mga adults na nasa impluwensya ng alak. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here