Home HOME BANNER STORY Party-list election raffle natapos na ng Comelec

Party-list election raffle natapos na ng Comelec

207
0

MANILA, Philippines – Natapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang isinagawang raffle ng mga Party-list na naghain ng kanilang Certificate of Acceptance and Nomination.

Ang nasabing order list ang siyang makikita sa iimprentang balota para sa 2025 national and local elections.

Ang mga Party-list na kumumpleto sa top 10 na unang lumabas sa raffle ay ang mga sumusunod:

1. 4Ps Partylist

2. PPP o Puwersa ng Pilipinong Pandagat

3. FPJ Panday Bayanihan

4. Kabataan

5. Duterte Youth

6. ML o Mamamayang Liberal

7. PBBM o Pilipinas Babangon Muli

8. P3PWD o Komunidad ng Pamilya ,Pasyente at Person’s with Disability

9. Murang Kuryente

10.Bicol Saro

Ang naunang sampung Partylist ay kasama sa kabuuang 156 Party-list groups na nagsumite ng kanilang CON-CAN noong Okt.1 hanggang Okt.8 filing sa The Manila Hotel Tent City

Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang pag-raffle kasama ang mga commissioners na si Rey Dulay, Nelson Celis, Ernesto Maceda Jr., Aimee Ferolino at Socorro Inting.

Bago ang raffle, ipinaliwanag muna ng IT Department ang proseso ng digital raffle para maunawaan ng mga representative ng bawat partylist.

Dumalo sa isinagawang raffle ang 124 mula sa 156 Party-list, kung saan present rin ang mga tauhan ng PPCRV.

Matapos ang raffle, ipinakita rin sa mga partylist group ang proseso ng mga gagamiting automated counting machine sa midterm elections. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here