MANILA, Philippines – Nakubkob na ng mga otoridad ang kuta ng mga makakaliwang grupo o New Peoples Army (NPA) sa Sitio Mapao, Barangay Gueday, Besao, Mountain Province.
Natagpuan ng mga operatiba ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company at Besao Municipal Police Station habang sila ay nagsasagawa ng Internal Security Operation ang abandonadong kampo sa magubat na bahagi ng nasabing lugar.







