Home NATIONWIDE Presensya ng dayuhan sa mga minahan ikinakabahala ng DENR

Presensya ng dayuhan sa mga minahan ikinakabahala ng DENR

144
0

MANILA, Philippines – Dapat ipangamba ang presensya ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa mga minahan sa bansa, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nitong Sabado, Oktubre 19, sinabi ni DENR Assistant Secretary Rochelle Gamboa na, “It has always been a concern.”

Ito ang naging pahayag ni Gamboa kasunod ng pinakahuling raid sa Paracale, Camarines Norte, kung saan 11 Chinese nationals ang naaresto dahil sa pagtatrabaho sa illegal mining site sa naturang bayan kahit na tourist visas lamang ang hawak ng mga ito.

Ayon kay Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga, nagpapatuloy ang case buildup sa mga sangkot sa umano’y illegal mining operation sa Camarines Norte.

Sa ilalim ng Philippine Mining Act 1995, dapat ay mga Filipino ang kukuning trabahador ng mga mining contractor sa lahat ng uri ng mining employment sa bansa.

Bukod sa mga Chinese national na naaresto sa Camarines Norte, sinabi ni Loyzaga na may mga naaresto ring dayuhan noong nakaraang taon sa Cagayan de Oro at Iligan “conducting, yes, illegal activities.”

Ani Gamboa, mayroon nang panukala na magkaroon ng tauhan mula sa Mines and Geosciences Bureau sa bawat mining project para imonitor ang pagtugon ng mining firms sa mga umiiral na batas.

“I don’t know if that will be pursued or if it is open to mining companies as well… That’s being discussed,” sinabi ni Gamboa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here