Home METRO 2.4K pugante nalambat ng pulis-Caraga

2.4K pugante nalambat ng pulis-Caraga

191
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang nasa 2,400 pugante sa Caraga region mula Enero 1 hanggang Oktubre 15.

Sa nasabing bilang, 402 sa mga ito ang most wanted persons habang 2,016 naman ang iba pang wanted individuals.

Sinabi ni Police Regional Office 13-Regional Public Information Office chief Police Major Jennifer S. Ometer na nakapag-aresto ang Agusan del Sur Police Provincial Office ng 543 indibidwal, sinundan ng Surigao del Sur PPO sa 531, Butuan City Police Office sa 512, at Surigao del Norte PPO, Agusan del Norte PPO, at Dinagat Islands PPO sa 393, 368, at 71.

Samantala, nakumpiska naman ng pulisya ang aabot sa P389,414.60 halaga ng shabu at naaresto ang 13 suspected drug pushers sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations sa Caraga region mula Oktubre 15 hanggang 16.

Tatlong suspek ang naaresto sa Agusan del Sur, pito mula sa Surigao, at tatlo sa Butuan City, mula sa 14 anti-illegal drug operations.

Labing-isa sa mga ito ang naaresto kasabay ng buy-bust operations, habang dalawa ay nahuli sa pamamagitan ng search warrants na inisyu ng mga korte.

Aabot sa 57.267 gramo ng shabu at drug paraphernalia ang nakumpiska mula sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here