MANILA, Philippines – Nagsagawa ng live-fire drills gamit ang rocket weapons sakay ng barko ang Filipino at American troops kasabay ng “force integration exercise” sa Palawan.
Nagpakawala ang mga tropa mula sa Philippine Marine Corps (PMC) 3rd Marine Brigade ng rocket-propelled grenade sakay ng isang coastal patrol boat sa Puerto Princesa City noong Oktubre 17 bilang bahagi ng Kamandag Exercise ngayong taon.
Nagpakawala rin ang US Marine Corps ng shoulder-launched multi-purpose assault weapon kung saan ang Pilipinas at Estados Unidos “test the competency of both Marines in handling their respective heavy weapon system.”
Noong Miyerkules, nagsagawa ng amphibious assault exercises ang mga tropa mula sa Philippine Marines at kanilang US counterparts sa Long Point, Apurawan, Aborlan.
Lumahok ang mga miyembro ng 3rd Marine Brigade at combat support brigade ng PMC, naval construction brigade ng Philippine Navy at battalion landing team ng US Marine Corps sa mga drill kabilang ang “target suppression through live-fire of various guns and infantry maneuvers on the beach.”
Bukod sa US, lalahok din ang Japan, South Korea, Australia, at United Kingdom sa 10-day exercise sa key areas ng bansa katulad ng Batanes. RNT/JGC