Home METRO Multicab bumangga sa poste ng kuryente, 1 todas, 3 sugatan

Multicab bumangga sa poste ng kuryente, 1 todas, 3 sugatan

120
0

ILOCOS NORTE- Hindi nagawang makailag sa kalawit ni Kamatayan ang driver samantalang sugatan ang tatlo nitong pasahero matapos bumangga sa sementadong poste ng kuryente ang minamaneho nitong kulay puting Isuzu Multicab sa Brgy. Nagsurot, Burgos ng lalawigang ito nitong Sabado, Oktubre 19, ng hapon.

Dead-on-arrival sa hospital ang 27-anyos na driver, walang asawa, residente ng Brgy. Cabungaan, Laoag City, Ilocos Norte.

Nasa ospital pa rin ang tatlong lalaking kasama nito na ang isa ay 23-anyos na residente ng San Pablo, San Nicolas, Ilocos Norte, samantalang ang dalawa ay edad 37 at 25 naman, parehong residente ng Brgy. Tabug, Batac City.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang bumibiyahe papuntang hilagang direksyon sa national highway sa naturang lugar ang Multicab ay hinihinalang biglang nakatulog o napaidlip ang driver habang nagmamaneho hanggang tumawid ng kabilang lane ang kanilang sasakyan saka ito dumeretso at bumangga sa concrete electrical post.

Dahil dito, ang driver at ang tatlo nitong pasahero ay pare-parehong nagtamo ng severe injury. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here