Home METRO P10M marijuana winasak sa Kalinga  

P10M marijuana winasak sa Kalinga  

118
0

TINGLAYAN, Kalinga- Nadiskubre ng mga awtoridad ang fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P10 milyon sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga, nitong Biyernes.

Iniulat ni Police Col. Gilbert Fati-ig, Kalinga police chief, kay Police Brig. Gen. David Peredo Jr., Police Regional Office-Cordillera chief, na 50,000 fully grown marijuana plants ang winasak.

Gayundin, inilahad ni Fati-ig kay Peredo na naaresto ng Pinukpuk Municipal Police Station sa Kalinga ang hinihinalang drug pusher sa implementasyon ng search warrant sa kanyang tahanan sa Barangay Pinococ.

Narekober mula sa 29-anyos na suspek ang hinihinalang shabu na may bigat na 5.2 gramo at nagkakahalaga ng P35,360.00. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here