KALINGA- Nasa 50,000 na fully grown marijuana plants ang pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad mula sa nadiskubre nilang taniman ng marijuana sa Buscalan, Tinglayan ng lalawigang ito.
Nagsasagawa ng dalawang araw (May 15-17) na marijuana eradication campaign sa lugar ang pinagsanib na grupo ng PDEA Kalinga PO (lead unit), KPPO DEU/PIU, RDEU/RSOG, RIU-14, Tinglayan MPS, 1st at 2nd KPMFC, RID PROCOR, 1503rd MC RMFB 15, MIG41 SIF ISAFP at 141 SAF-SAC nang madiskubre nila ang taniman ng marijuana na may lawak na 5,000 sq.m.
Nagkakahalaga ng P10,000,000 ang fully grown marijuana na sinira ng mga awtoridad sa nabanggit na lugar.
Walang cultivator na naaresto ang mga ahente ng PDEA mula sa nadiskubreng taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso